105

By

BSP execs, pinakamataas ang sahod noong 2017 – COA

Sharing is caring!

Ang mga opisyal pa rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nakatanggap ng pinakamalalaking sahod at allowances noong 2017, base sa Report on Salaries and Allowances ng Commission on Audit (COA).

Pinakamalaki ang kinita ni BSP Governor Nestor Espenilla Jr., na tumanggap ng P14.920 milyon.

Sumunod naman si BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo (P13.5 milyon) na sinundan ni Development Bank of the Philippines Chief Executive Officer Cecilia Borromeo (P12.46 milyon).

Pang-apat sa may pinakamataas na sinahod si Solicitor General Jose Calida na kumita ng P10.017 milyon.

Sumunod naman si BSP Deputy Governor Maria Almasara Amador (P10.16 milyon) na sinundan ni Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr., (P9.59 milyon).

Ang kumumpleto sa top 10 ay sina BSP Assistant Governor Wilhelmina Mañalac (P9.28 milyon), Senior Assistant Governor Ma. Ramona Gertrudes Santiago (P9.24 milyon), Monetary Board members Felipe Medalla (P8.869 milyon) at Juan de Zuñiga Jr. (P8.868 milyon).

Si ousted SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay kumita naman ng P6.49 milyon.

Sa Government Service Insurance System (GSIS), ang may pinakamalaking sahod ay si Senior Vice-President Maria Obdulia Vitug-Palanca (P6.1 milyon). Si Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Alexander Balutan naman ay ika-38 (P5.76 milyon).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?