855

Dec 23, 2017 @ 16:55

BSP bukas sa Disyembre 26 para palitan ang mga lumang pera

Mananatiling bukas ang ilang tanggapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa darating na Disyembre 26 para sa mga hahabol para mapalitan ang mga natitira nitong lumang pera.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, Jr., ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang pubiko na mapalitan ang mga lumang paper bills kahit na deklarado na walang pasok ang mga opisina sa gobyerno sa nasabing petsa.

Bukas para lamang sa nasabing transaksyon ang cash department ng BSP sa Maynila at Quezon City pati na sa ibang sangay nito at branches ng alas-8:30 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Magpapalit lamang ang BSP ng hanggang P100,000 na lumang pera sa bawat transaksyon.

Nakatakda ang deadline ng pagpapalit ng lumang pera sa Disyembre 30, 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?