280

By

BSP biktima ng fake news

Kumakalat ngayon sa social media ang umano’y “new Philippine money” o “New Generation Currency II” na ilalabas ngayong 2020.

Kumpleto ang denominasyon ng money series na ito, mula P50 hanggang P5,000. Sa ibaba, nakalagay ang logo, website, at ngalan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Agad namang pinabulaanan ito ng BSP sa Twitter, at sinabing sundan ng madla ang mga opisyal nitong account para sa mga anunsiyo.

“This is not real. Please follow our social media accounts for OFFICIAL announcements. Thank you,” sambit ng BSP ngayong Huwebes ng umaga, Enero 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?