60

Aug 30, 2019 @ 20:13
By

BSP: August inflation, lalo pang babagsak sa 1.3-2.1%

Bababa ang inflation rate nitong Agosto sa tantiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa pagbaba ng presyo ng gasolina, diesel, kerosene, pati na sa pagsadsad ng presyo ng bigas at halaga ng kuryente.

Sabi ng BSP Department of Economic Research, maaaring nasa 1.3% hanggang 2.1% ang inflation nitong Agosto.

Ang inflation ay ang sukat ng pagbilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin tulad ng bigas at iba pang pagkain, damit, renta sa bahay, tubig, kuryente, pamasahe, tuition sa school, pati na load sa cellphone.

“Lower domestic prices for gasoline, diesel and kerosene, the continued decline in rice prices as well as the downward adjustment in electricity rates dampened inflation pressures during the month,” sabi ng BSP DER.

Tinabla ng mga ito ang epekto ng paghina ng piso laban sa dolyar at ang pagmahal ng ilang pagkain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?