29
mr-trabaho-joel-villanueva
By

BSKE 2018

Sharing is caring!

Ngayong Mayo katorse, muli po nating ipapamalas ang kapangyarihan ng demokrasya dito sa ating bansa.

Ang Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2018 ay pagkakataon para magamit natin ang ating sagradong tungkuling pumili ng mga taong mamumuno sa 42,036 baranggay sa buong Pilipinas.

Piliin po natin ang mga nag-a-apply para maging barangay captain at kagawad na may puso sa paglilingkod at may banal na takot sa Diyos. Kilatisin po natin sila at huwag basta padadala sa kanilang mga campaign posters o jingle.

Kung sa pagpili ng sapatos na bibilhin, talagang pinag-iisipan po natin, bakit naman hindi sa mga taong gagabay sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa baranggay?

Tandaan po nating bagamat isang araw lang ang BSKE, tatlong taong pamumuno po ang kasunod nito. Kung karapat-dapat sa ating boto ang bawat barangay leader na ating ihahalal, tayo rin po ang magtatamasa ng isang maayos, payapa at maunlad na komunidad sa loob ng tatlong taon.

Sa mga kabataang edad 15-17, pagkakataon ito para pumili ng mga lider na magre-representa sa inyo sa SK. Hindi barkadahan ang layunin ng SK bagkus ito’y instrumento para aktibo kayong makiisa sa mga programang pang-kaunlaran sa inyong komunidad.

Bilang chairman po ng Kristyanong Kabataan Para sa Bayan (KKB) Movement, ang isa sa pinakamalaking youth organizations sa bansa, masasabi ko pong nasa mga kamay ng kabataang Pinoy ang tunay na pagbabago.

Tunay, napakahalaga po ng papel ng bawat baranggay sa kaunlaran ng buong bansa. Katuwang sila sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa ng pamahalaan lalo na ang emergency employment ng DOLE, skills training ng TESDA, livelihood programs ng DSWD at mga job fairs ng PESO.

Malaking papel rin ang ginagampanan ng mga baranggay para umusbong ang mga negosyo sa komunidad. Maliban sa pagbibigay ng clearance, maaari rin silang gumawa ng mga ordinansa para tiyaking business-friendly ang baranggay. Kung buhay ang mga negosyo, dadaloy po ang trabaho sa ating mga baranggay.

Kaya’t malaki po ang magiging epekto o impluwensya ng magiging resulta ng halalan ngayong araw sa paglikha natin ng trabaho at pagbibigay ng hanap-buhay sa ating mga kababayan.

Alinsunod sa adhikaing ito, isinumite po natin ang Senate Bill 1013 upang ayusin ang mga hakbang na isinasagawa ng COMELEC sa pagpapatala ng mga botante para sa baranggay elections. Pag-amyenda po ito sa Republic Act 8189 o ang “Voter’s Registration Act of 1996”.

Hindi po pinapayagan ng ating panukalang batas ang pagpapalipat ng tirahan o place of residence ng isang botante sa COMELEC sa loob ng 180 araw bago ang barangay o regular elections.

Ito po ay para matiyak na may anim na buwan nang naninirahan ang isang botante sa lugar kung saan siya boboto. Isang paraan po ito para malabanan ang “hakot system” at mga flying voters na kalimitang isyu tuwing barangay elections. Pinapababa po ng ganitong sistema ang integridad ng halalan at nagpapahina rin sa demokrasya sa bansa.

Suportahan po natin ang mga kandidatong nakahandang itaguyod at palakasin ang kabuhayan, trabaho at negosyo sa mga baranggay para guminhawa ang buhay ng ating mamamayan.

Kaisa n’yo po ako sa isang mapayapa, makabuluhan at matagumpay na BSKE 2018.

Job Fair Schedule

Aldo Ning Balen Guagua Job Fair
Plaza Burgos, Guagua, Pampanga
May 15

Lgu Butuan City Mega Job Fair
North Atrium, Robinsons Place, Butuan City
May 15

University of St. Louis’ Job Fair
Tuguegarao City, Cagayan
May 15

LGU-Burgos Job Fair 2018
Burgos Community Center, Burgos, Isabela
May 16

Trabaho Negosyo Kabuhayan Job Fair
Sabang Park Pavillion, Bulan, Sorsogon
May 17

Lgu/peso Tayug Job Fair
Gymnasium, Tayug, Pangasinan
May 18

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?