132

Dec 11, 2017 @ 15:39

Bryant, pinayuhan si Lonzo Ball at iba pang rookies ng Lakers

May payo si NBA star Kobe Bryant kay Lonzo Ball at sa iba pang rookies ng Los Angeles Lakers, na dati niyang koponan bago nagretiro sa basketball.

Sa isang panayam sa Spectrum SportsNet, sinabi umano nito na kailangang maging pursigido at magkaroon ng sense of urgency ang mga players ng Lakers tulad niya dati nu’ng rookie pa.

Sa ganitong mindset, dagdag pa ni Bryant, ay made-develop ang players ng Los Angeles.

Aniya, “He needs to get better now. [Kyle] Kuzma, better now. [Julius] Randle, better now. Players, you want that now.”

Ngunit nilinaw ni Bryant sa kanyang Twitter post na hindi kritisismo para sa mga batang players ng Lakers ang kanyang tinuran kundi pagbibigay ng payo lamang at dapat na maging mindset na ginamit niya nang rookie pa ng Los Angeles.
Ito’y sa malamyang laro at kitang nahihirapan si Ball na nakapagtala lamang ng 32% ng kanyang field goal at may 24.6% naman sa 3-point attempts.
Matatandaang sa pangunguna nina Shaquille O’Neal at Bryant, nasungkit ng Lakers ang tatlong sunod-sunod na kampeonato noong 2000 hanggang 2002.
Huling championships ng koponan ay taong 2010 sa laban nila kontra Boston Celtics sa pangunguna pa rin ng ‘Black Mamba’ ng NBA na si Bryant.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa bottom six ng Western Conference ang Lakers na may 10-15 win-loss slate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?