249
abante-tnt-vismin-lebron-james-kobe-bryant
By

Bryant pinababalik, papares kay James

Sharing is caring!

Pagputok ng balita na may deal na si LeBron James para lumipat ng Los Angeles Lakers, nagliyab din ang Twitter sa dami ng nag-react.

Kasing-init ng four-year, $154 million ni LeBron sa Lakers ang balitaktakan sa social media.

“Y’all really thought he was gonna pass up the greatest city in the world…” tweet ni Lonzo Ball (@ZO2) na nilagyan niya ng hashtag na #TheKingIsHere.

Si Donovan Mitchell (@spidadmitchell) ng Utah, may sundot din: “Gotta love the West.”

Ang ice hockey team ng Los Angeles na Kings (@LAKings), hindi nagpahuli sa tweet na “Wow just walked into the LA Kings locker room and saw this…” na may photo ng jersey No. 23 ng Lakers.

“What a beautiful day in LA,” ang paandar ng Los Angeles Dodgers (@Dodgers).

Ang InsideHoops.com (@InsideHoops), nang-iintriga na: “There are so many Kobe Bryant fans that just spent 15 years bashing LeBron James. This will be an adjustment.”

Sina Kobe at LeBron, nag-trending na sa Twitter. Pinababalik na si Kobe mula retirement para daw maging magkakampi sila ni LeBron.

Si Bryant (@kobebryant) nagpaabot ng simpleng mensahe: “Welcome to the family @KingJames,” na may hashtag na #lakers4life.

Ayon sa SB Nation (@SBNation), “Big win for the Raptors” daw dahil ngayong wala na si LeBron sa Cavs, may tsansa na ang Toronto na magkampeon sa East at bumiyahe sa Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?