31

Nov 26, 2021 @ 15:43
By

Bryan Adams ayaw tantanan ng COVID

Sa loob lang ng isang buwan, dalawang beses nagpositibo sa COVID-19 ang Canadian singer na si Bryan Adams.

Ibinalita ito ng “Please Forgive Me” hit maker sa kanyang Instagram, kung saan agad siyang dumiretso sa isang ospital sa Italy.

“Here I am, just arrived in Milano, and I’ve tested positive for the second time in a month for Covid. So it’s off to the hospital for me. Thanks for all your support,” caption niya sa larawan habang nasa loob siya ng ambulansiya.

Unang nagpositibo si Adams noong Oct. 30 ngunit walang anumang sintomas ng virus. Fully vaccinated na rin siya noon laban sa COVID.

Nasa Italy ngayon si Adams para sa isa pa niyang career sa photography.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?