760

By

Bruno Mars pinalitan! Black-Eyed Peas, P50M ang talent fee sa SEA Games

Nalantad ang mga nakapaloob na item sa budget ng bansa para sa pagho-host sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na hitik sa overpriced.

Sa nakuha ng Philippine Star na kopya ng confidential budget, maliban sa nakalululang mahigit P55 milyong halaga ng pagpapatayo ng stadium cauldron, lumabas na dapat sana’y ang half-Filipino na si Bruno Mars ang performer sa opening at closing ceremonies ng SEAG pero pinalitan ito ng grupong Black-Eyed Peas, na may $1 million o P50,682,000 na talent fee.

Bunga nito, umabot sa P73,251,550 ang gagastusin ng bansa para sa SEAG alternative performers pa lang.

Kung ikukumpara umano ito sa local performers gaya nina Lea Salonga at Ryan Cayabyab, maliit lang na halaga ang nakalistang talent fees ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?