18

Feb 9, 2021 @ 18:06
By

BRP Antonio Luna dumating na sa bansa

Pumalaot na sa karagatan ng Zambales ngayong Martes ang ikalawang missile frigate ng Philippine Navy (PN) na BRP Antonio Luna (FF151).

Ayon sa pahayag ng Naval Public Affairs Office, noong Linggo pa dumating ang FF151 sa Batanes’ Mavulis Island mula Ulsan, South Korea.

Anang PN, makatutulong ang naturang frigate sa pagpapaigting ng seguridad at depensa ng bansa sa karagatan.

“Frigate Antonio Luna will complete the PN Frigate Acquisition Project that fulfills the PN’s thrust of having modern platforms and systems that provide opportunities for its personnel to develop modern mindsets and propel the whole organization into becoming a multi-capable naval force responsive to our maritime nation’s defense and development.”

Magugunitang noong Enero 30 nang aprubahan ng Department of National Defense at PN ang delivery ng FF151 sa bansa.

Ang BRP Antonio Luna ang ikalawang missile frigate ng PN na ginawa ng Hyundai Heavy Industries.

Una nang nahatid sa bansa ang BRP Jose Rizal noong Hulyo ng nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?