56

Oct 24, 2017 @ 12:19

Brownlee time ulit?

Nasama sa mga alamat ng PBA si Justin Brownlee dahil sa kanyang pagseselyo ng panalo ng Ginebra laban sa Meralco sa Game 6 ng PBA Governors Cup championship series noong isang taon.

May pagkakataon ulit si Brownlee na ulitin ang pagiging bayani bukas kung saan p’wedeng tapusin na ng Kings ang Bolts sa kasalukuyan nilang duelo.

Muli, Game 6. sa Philippine Arena pa rin sa Bocaue, Bulacan.

Ang oportunidad ay sumungaw matapos nagwagi ang Ginebra 85-74 noong Linggo para maputol ang dalawang sunod na panalo ng Meralco at muling umangat sa best-of-seven series 3-2.

Mahahalagang papel ang ginampanan nila Greg Slaughter at LA Tenorio, pero pinakamalaki ang papel ni Brownlee na tumapos na may 20 points, 12 rebounds at five assists kahit na walang pahinga buong second half.

Ang sabi ni Brownlee, handa siyang maglaro kahit buong 48 minutes sa Game 6.

“I’m ready to play, whatever it takes,” sabi ng import na nagbaon ng buzzer-beating triple para sa 91-88 na panalo ng Kings noong isang taon.

“It doesn’t matter how long (I play).” (Clarence Constantino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?