brownlee

Brownlee, sasagipin ang Ginebra

Sharing is caring!

Matapos kalusin ng Phoenix Fuel Masters kagabi sa double overtime, 103-98, at malubog sa 1-3 sa standings, nagdesisyon na ang Ginebra na palitan ang kanilang import na si Charles Garcia sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Ibabalik ng Gin Kings si two-time champion Justin Brownlee.

Kagagaling lang ni Brownlee sa championship stint sa ABL at lalaro na sa Ginebra matapos ang All-Star break.

Si agent Sheryl Reyes, na kinatawan ni Brownlee, ang nagkumpirma ng pagbabalik ni Brownlee sa Gin Kings.

Sa laban sa Phoenix noong Linggo, na-fouled out si Garcia sa kalagitnaan ng fourth quarter, tuloy nalusaw ang pag-asa ng Ginebra na makalusot sa double overtime.

Tumapos si Garcia ng 19 points at 18 rebounds laban sa Fuel Masters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?