110

By

Brownlee pang-NBA ang kalibre

May sikretong malupit si coach Tim Cone patungkol kay Justin Brownlee na ayaw niyang malaman ng iba, lalo sa NBA.

“He’s an NBA-caliber guy, I don’t think there’s any doubt,” bulong ni Cone sa sportswriters tapos sikwatin ang korona ng PBA Governors’ Cup nitong Biyernes sa MOA Arena.

Hinatid ni Brownlee ang Gin Kings sa pangatlong Governors’ Cup title sa nakalipas na apat na seasons, pang-apat na kampeonato niya sa kabuuan tapos ng 2018 Commissioner’s.

Tinumba ng Gin Kings ang Meralco sa limang laro.

Nagbiro pa si Cone na ‘di dapat malaman ni Fil-Am coach Erik Spoelstra ang galing ng kanyang resident import.

“I’m not going to tell Erik Spoelstra that because Erik might scout him and steal him,” sundot ni Cone. “Keep quiet on that. I don’t want anybody coming over from the NBA and taking him away.”

Ayaw bitawan ni Cone si Brownlee, nangakong ibabalik pa ito sa susunod na season.

“He will be back and he will be even better next (season),” giit ng 22-time champion coach.

Kahit sa mid-season Commissioner’s Cup na may import limit na 6-foot-10, ang 6-5 na si Brownlee ang isasagupa ng Gins.

Bibigyan lang ito ng pahinga sa season-opener Philippine Cup bago bumalik hanggang sa pagdepensa ng Governors’ title.

Una raw nakita ni Cone si Brownlee sa Summer Camp ng NBA ay impressed na siya sa laro nito kaya hinimok maglaro sa PBA noong 2016, at sinikwat niya ang unang Governors’ Cup.

One-dimensional lang daw ang laro ni Brownlee noon, puwesto sa three at minsa’y stretch four na tumitira sa tres. Malayo na ang pinagbago ng kanyang laro sapul nang tumuntong sa PBA.

“Now he handles the ball, plays mid-range. He gets to the basket, he posts up,” pag-iisa-isa ni Cone

May nabanggit pa nga raw ang anak ni Cone na nasa San Francisco hinggil sa laro ng import.

“One thing my son said is, ‘Sorry, dad, but Justin is in the wrong league. He shouldn’t be in the PBA. He should be in the NBA playing as a star somewhere,’” bulgar ng tactician.

Sa tatlong kampeonato sa Governors, tatlong beses ding nasilat si Brownlee kay Allen Durham ng Meralco sa Best Import award. Pero balewala ang individual honors sa 31-anyos na reinforcement.

“I gave him a hug and said, ‘I’m sorry you didn’t win the Best Import.’ He turned to me and laughed and said, ‘This (championship) is so much sweeter,’” panapos ni Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?