49

By

Brownlee muntik sa triple-double, tinuhog ang Magnolia

Mga laro sa Miyerkoles: (Cuneta Astrodome, Pasay)
4:30 pm – Blackwater vs Rain or Shine
7:00 pm – San Miguel vs NorthPort

Nakaisa ang Barangay Ginebra San Miguel sa Manila Clasico match-up sa 44th Philippine Basketball Association 2019-2020 Governors’ Cup eliminations, sa 105-83 pagkatay sa defending champion Magnolia Pambansang Manok, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Umahon mula sa limang puntos na paghahabol ang Gin Kings sa unang yugto, 24-29, sa paglimita sa Hotshots sa sumunod na dalawang bahagi upang maagang angkinin ang abante tungo na sa pagsungkit ng ikatlong panalo sa loob ng limang laro, umakyat sa solo fifth spot.

Umalagwa ang Gin Kings sa second period kung saan itinala nito ang kabuuang 21 puntos habang nilimitahan ang Hotshots sa 15 puntos at agawin ang isang puntos na abante sa halftime 45-44.

Ibinuhos ng Gin Kings 34 markers sa third quarter habang iniwanan ang Hotshots sa 21 puntos upang itala ang 14 puntos na abante sa 79-65, tungo pa sa 27 puntos, 103-76, sa huling 2:35 ng laro para isalya ang utol sa pagtabla sa sixth slot sa 3-3.

Pinaglaruan ni Justin Brownlee ang triple-double ang nanguna — 27 pts., 9 rebounds, 10 assists bukod pa sa 4 steals at 2 blocks para pamunuan ang Gin Kings habang nag-ambag si Thomson ng 14 pts. tampok ang krusyal na apat na tres, 7 boards, 2 feeds, 1 stl. at 1 blk.

May 14 puntos naman si Japeth Aguilar at 11 puntos si Stanley Pringle.

Ang iskor:
Ginebra 105 – Brownlee 27, Thompson 14, Aguilar 14, Pringle 11, Dela Cruz 10, Tenorio 9, Chan 9, Slaughter 7, Mariano 4, Sargent 0, Aguilar R. 0, Teodoro 0.
Magnolia 83 – Dela Rosa 18, Travis 17, Lee 14, Sangalang 10, Jalalon 6, Barroca 5, Ramos 5, Reavis 2, Pingris 2, Pascual 2, Herndon 2, Melton 0, Abundo 0.
Quarters: 24-29, 45-44, 79-65, 105-83.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?