42

Feb 25, 2020 @ 12:36
By

Brownlee mahirap makausap – Alapag

Hanggang ngayon ay hindi pa rin klaro kung ano ba ang estado ni Justin Brownlee sa Alab Pilipinas.

Dati nang inanunsyo na magbabalik sa koponan ang four-time PBA champion, ngunit dalawang laro na ang nakalipas ay hindi pa rin ito nasisilayan.

Dapat sana’y nakarating na sa Pilipinas si Brownlee noong nakaraang linggo, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita ukol sa Ginebra resident import.

Ayon kay Alab coach Jimmy Alapag, maging siya ay wala ring muwang dahil hindi masyadong nakakausap ang Georgia native.

“Unfortunately, he’s not here. I wish I had a more detailed answer, but my biggest thing is we’ve kinda been off and on in terms of our contact with him,” saad ni Alapag.

“My biggest concern is making sure he’s ok because we haven’t had much contact with him and hopefully, he gets his way to Manila soon,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?