50
views

Brownlee kumana sa OT vs Slingers para sa 3rd straight win

Sharing is caring!

Matapos manlamig sa apat na quarters, nag-init ang kamay ni Justin Brownlee sa overtime para ihatid sa tatlong sunod ang ng panalo ng Tanduay Alab Pilipinas matapos padapain ang Singapore Slingers89-80 win kanina sa Asean Basketball League (ABL) OCBC Arena sa Singapore.

Nagtapos si Brownlee ng 17 points na mas mababa 29 point average nito.

Subalit ang dalawang quick baskets nito sa overtime ang nagpasiguro sa panalo ng Alab para sa kanilang ikatlong sunod na panalo, at 3-3 sa standing.

Bumandera sa Alab si Renaldo Balkman na may 26 points.

Mula 78-75 lead ng Alab, tumira ng tres si Fil-Am AJ Mandani sa natitirang 12.2 para ihatid ang score sa overtime.

Subalit pagapit ng OT period, hindi na natibag ang pananalasa ng Alab gayundin ang malagit nilang depensa para ihatid ang Slingers sa kanilang pang-limang talo sa walong laro.

Nasa fourth place na ang Alab sa kartadang 3-3.

Scores:

Alab 89 – Balkman 26, Brownlee 17, Parks 11, Domingo 9, Raymundo 8, Urbiztondo 8, Celiz 3, Hontiveros 3, Maierhofer 2, Sumalinog 2, Alabanza 0.

Singapore 80 – Charles 22, Ng 15, Mandani 13, Alexander 10, Loh 10, Goh 9, Liew 1, Folkoff 0, Oh 0, Kwek 0.

Quarterscores: 21-17, 36-36, 63-60, 78-78, 89-80.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?