23

Nov 24, 2021 @ 23:38
By

Brownlee kinokondisyon mga kakampi – Cone

Ibinunyag ni Barangay Ginebra San Miguel coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone na bukod sa husay at talento ni Justin Brownlee, isa pang dahilan sa patuloy na pagtapik ng Gin Kings serbisyo ng import ay ang dala ring motibasyon sa mga kakampi.

Muling kinuha ng crowd darlings si American cager bilang reinforcement para sa darating na 46th Philippine Basketball Association Governors’ Cup na sisimulan sa Nobyembre 28 o Disyembre 5.

“It’s not just his skills, I think his skills are less of a factor. It’s really about his personality and the way he blends with his teammates, the way he motivates his teammates, the way he makes his teammates better around him,” litanya ni Cone sa The Game ng One Sports.

“There’s no doubt, when he walks on the floor, we play a whole new level and that really is from his personality, not just on the floor it self but off the floor, in practice, all the things that he does,” dagdag pa ng champion coach.

Nakatuwang ng Ginebra ang 33-year-old dribbler nang magkampeon sa Governors’ Cup noong 2019.

Mapapasabak si Brownlee sa batch niya laban kina Paul Harris ng Phoenix Super LPG, Mike Harris para sa Magnolia, McKenzie Moore ng TNT, Jaylen Bond ng Blackwater Bossing, Henry Walkers para sa Rain or Shine;

KJ McDaniels ng NLEX Road Warriors, Olu Ashaolu ng Alaska, at Antonio Hester para sa Terrafirma, Brandon Brown ng San Miguel Beer, Tony Bishop ng Meralco Bolts, Cameron Forte para sa NorthPort.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?