168
justin-brownlee2
By ,

Brownlee isasahog sa Team ‘Pinas

Posibleng isama sa Team Pilipinas bilang naturalized player si Ginebra import Justin Brownlee para sa dalawang laro sa sixth and final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 2019.

Ayon mismo ito kay National coach Yeng Guiao kasunod ng 70-78 loss ng Team Pilipinas kontra Iran sa second game ng fifth window Lunes ng gabi sa MOA Arena.

“Isang option ‘yun na nakasalang, si Brownlee. Nasa Congress na ‘yung papeles niya. That’s an option we can consider. Siguro kung ipu-push nila ‘yun, baka magamit natin at mahabol (for the sixth window),” wika ni Guiao.

Matagal nang nabanggit ng Ginebra import ang pagnanais nitong maging naturalized Filipino kahit na hindi siya maglaro para sa bansa.

Kung matutuloy ang balak, maraming maaring pagpilian ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maaring maglaro gaya nina Andray Blatche, Christian Standhardinger at Stanley Pringle na mga naturalized player sa ilalim ng FIBA rule.

“Pwede kang mamili depende sa needs and situations. Those are the options,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?