57

Jul 9, 2019 @ 14:19
By

Brownlee gusto nang maglaro sa Gilas

Nagpakita ng suporta si Barangay Ginebra import Justin Brownlee sa tune-up game ng Gilas Pilipinas kontra Mighty Sports kagabi.

Hanga si Brownlee sa naging laro ng Gilas kontra Mighty Sports na nagtapos sa tablang iskor na 85-85.

Nang tanungin sa performance ng kanyang posibleng maging kampi sa Gilas, tila napahanga ito sa ipinakita ng koponan at sinabing umaasa ito na makalaro sa Gilas.

“I hope so, I wish so. The naturalization still haven’t been through, but hopefully soon,” ani three-time PBA champion Brownlee.

“They’re very talented. They can do more things. They’ve got guys who can shoot, they’ve got inside players, athletic players, players who can go out there and defend,” pakli pa ni Brownlee. “The World Cup, when it’s time for them to go and play, I think they’re going to be pretty good,” dagdag nito.

Isa rin sa sinuportahan ni Brownlee ay ang kanyang naging kakampi sa Alab Pilipinas na si Renaldo Balkman na naglalaro para sa Mighty Sports.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?