127
justin-brownlee2
By

Brownlee eksit sa Alab, Ramos bagong eeksena

Sharing is caring!

Nawala man ang pangmalakasang import na si Justin Brownlee, papasok naman ang 7-foot-3 center na si PJ Ramos.

Bagama’t mami-miss ni Alab Pilipinas coach Jimmy Alapag ang serbisyo ni Brownlee, napaganda pa ang adjustment na ginawa nila sa team.

“Having PJ, we’re able to balance between both where he can slow it down if we need to, but we can also get up and down the court which I thought was really big for us last year,” paliwanag ni Alapag.

Dahil nga napalaki ang lineup ng national team dahil kay Ramos, bababa sa small forward ang isa ring big man na si Renaldo Balkman.

“With Balk’s versatility, he can guard one through five but having a presence like PJ in the middle, you’re talking about a dominating presence both offensively and defensively and you know he’s a great guy,” aniya.

Dating nanilbihan bilang import sa Kia Picanto si Ramos kung kaya naging madali para sa kanya ang pag-adjust sa mga Pinoy.

“This early, I see the chemistry that he has with our guys and our guys enjoy being around him and playing with him this early in practice,” wika ni Alapag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?