143

By

Brownlee, Durham babalik sa PBA Season 43

Sharing is caring!

Hindi malayong mu­ling bumalik ng bansa ang mga tigasing imports na sina Justin Brownlee, Allen Durham, Ricardo Ratliffe at Charles Rhodes para muling mag­rambulan sa parating na Season 43 ng PBA.

Ibabalik ng PBA ang format ng nakaraang season para sa 2017-18 ca­lendar. Sa December 17 ang iskedyul ng umpisa­ ng papasok na season.

Noong 2016-17, San Miguel Beer ang kampeon sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup, tagumpay na naidepensa­ ng Ginebra ang Governors’ Cup crown.

Parehong height li­mits ang tinakda sa imports: 6-foot-10 sa Commissioner’s, at 6-foot-5 sa Governors’.

Posibleng muling tapikin ng Gins si Brownlee sa Commissioner’s at Governors’ Cup tulad noong Season 42. Hindi malayong ibalik ng SMB at Hotshots sina Rhodes at Ratliffe sa second conference, malamang tawagin muli ng Meralco si Durham sa Governors.

Sa tatlong torneo sa papasok na season, single-round-robin ang eliminations, top eight ang aabante sa playoffs. Minimum 33 games ang ilalaro ng bawat team sa buong taon.

Sa all-Filipino at Commissioner’s, twice-to-beat ang top two laban sa bottom two sa quarters. Ang Nos. 3-6 ay maglalaglagan sa best-of-three showdowns.

Sa Governors, top 4 ang twice-to-beat sa quarters laban sa next four. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?