37

By

Brownlee, Blatche salo sa pagpipilian ni Guiao para sa Team PH

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Team Pilipinas coach Yeng Guiao ang kanyang mga pinagpipilian para sa susunod na window ng Fiba World Cup Asian qualifiers.

Sa panayam kay Guiao sa SPIN.ph Sportsman of the Year award ceremony, sinaad ni Guiao ang kanyang mga balak para sa kanilang salang sa susunod na taon kung saan makakalaban nila ang Qatar at Kazakhstan sa parehong away games.

Dalawa sa panibagong option ni Guiao ay ang naturalized player ng Gilas Pilipinas na si Andray Blatche, na base sa Instagram post ng dating NBA journeyman ay sabik nang muling makabalik sa Nationals.

At ang isang posibleng mag-debut para sa national team ay si Ginebra resident import Justin Brownlee, na matatandaang inilalakad ang papeles para maging residente ng Pilipinas.

Ngunit kung walang oras para maisakatuparan ang mga plano ay naka-standby pa rin sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle na ginamit ni Guiao noong nagdaang window.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }