43

Jan 4, 2018 @ 10:15

Brownlee, Balkman inakay ang Alab sa back-to-back wins

Sa pangungung dalawnag bagong import, naitala ng Alab Pilipinas ang kanilang dalawang sunod panalo sa ASEAN Basketball League matapos pataubin ang Westports Malaysia, 90-79, kagabi sa Filoil Flying V Centre.

Umatake ng 20-3 run ang Alab sa third at fourth quarter para itala ang 81-66 lead sa pangunguna ng dalawang bagong imports nilang sina Justin Brownlee at Renaldo Balkman.

Sina Brownlee at Balkman, na pinalitan sina Ivan Johnson at Regie Okosa, ay kararating lamang isang araw bago ang kanilang laban kontra Malaysia.

Kumana si Brownlee ng game-high 29 points na sinahugan ngseven rebounds at eight assists para ibigay sa Alab ang 2-3 record matapos ang nakakadismayang 0-3 start.

Nagtala naman si Balkman 17-point, 11-rebound double-double. May 13 points at 9 na assists si Josh Urbiztondo habang may 10 points si Robby Celiz.

Namuno si Joshua Munzon sa 1-3 Dragons sa kanyang 21 points at 9 rebounds habang may 16 points at 22 rebounds si Allen West.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?