118

Jan 1, 2018 @ 16:54

Brownlee, Balkman babandera na sa Alab

Para mapalakas ang kampanya ng Alab Pilipinas sa mahirap na kampanya sa ASEAN Basketball League (ABL), kinuha nito ang serbisyo nina Barangay Ginebra import si Justin Brownlee at Renaldo Balkman na dating naglaro naman sa San Miguel.

Ito ang inihayag ni Team manager Charlie Dy sa social media kung saan papalitan ng dalawa ang orihinal na imports na sina Reggie Okosa at Ivan Johnson.

Naging produktibo naman ang dalawang American imports sa Alab kung saan nakapagtala si Johnson ng 22.67 points, 10.67 rebounds, at 3.67 assists per game, habang si Okosa naman ay nag-average ng 24 points at 13. 5 rebounds kada laro.

Subalit isang laro lamang ang naipanalo ng Alab sa apat nilang laro.

Babalik sa aksiyon ang Alab Pilipinas sa Miyerkules kung saan makakatapat nila ang Malaysia Dragons sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?