71

Sep 26, 2020 @ 1:46
By

Brooklyn Nine-Nine star kinontra pagsuporta kay Duterte

Sumagot ang American actress na si Chelsea Peretti sa isang poster kung saan nakalagay ang kanyang mukha at sinasabing si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang isa sa ‘best politician’ na kanyang nakilala.

Sa Twitter, kinontra ni Peretti na hindi siya ang nagsabi ng, “President Duterte is one of the best politicians that I have met. Filipinos are very lucky to have them as their leader.”

Sa naturang poster, ginamit ang pangalan ng kanyang sikat na karakter na si Gina Linetti.

Isa si Chelsea sa mga bida sa American comedy show na ‘Brooklyn Nine-Nine’, na tanyag din sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?