chloe-moretz
By

Brooklyn Beckham, Chloe Grace Moretz hiwalay na

Sharing is caring!

Dahil sa isang kissing photo, nagbigay ng kanilang haka-haka ang fans ni Brooklyn Beckham na hiwalay na ito sa Hollywood actress girlfriend nitong si Chloe Grace Moretz.

Nakunan ang panganay na anak nina David at Victoria Beckham na si Brooklyn na nakikipaghalikan sa isang brunette model na nagngangalang Lexi Wood.

Isang Canadian model si Lexi na lumabas na sa mga fashion pages ng Vogue Japan, Galore, Cosmopolitan Russia. Lumabas na rin ito sa Playboy. Maraming sexy photos na pino-post ito sa social media accounts niya.

Magkasama ang dalawa nang magpalagay ng tattoo si Brooklyn sa

Honorable Society Tattoo Parlor in West Hollywood.

Nagtataka ang fans ni Brooklyn kung bakit ibang babae ang kasama nito? Break na daw ba sila ni Chloe?

Naging opisyal ang relasyon nila Chloe at Brooklyn noong November 2017. Magkakilala ang dalawa since they were 15 and 17 years old, respectively.

“We’re happy, we love each other, and we support each other,” sey pa ni Chloe sa isang interview with Vogue noong 2017.

Parati ring nasa special occasions ng Beckham Family si Chloe. Pero ang huling post ni Chloe with Brooklyn ay noong birthday nito last March 4, 2018.

“Never Stop Smiling, I Love You, Happy Birthday Brooklyn,” caption pa ni Chloe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?