69

Aug 9, 2019 @ 10:44

Bronze kay PH jin Mangin

Agad nakapagbigay ng medalya ang miyembro ng Philippine taekwondo team na si Tachiana Kezhia Mangin sa unang araw ng 2019 World Cadet Taekwondo Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Iniuwi ni Mangin ang unang bronze ng bansa sa pagpangatlo sa women’s -33kg event.

Nabigo si Mangin sa nag-gold na si Natkamon Wassana ng Thailand, 10-18, sa semifinals.

Una itong nagwagi ang Pilipina kontra Nirvi Rajendrakumar Hekkad ng India, 22-3 sa Round of 16, at kay Sarangi Brindamohan ng Canada, 16-4, sa quarterfinals.

Dinuplika ni Mangin ang pares din ng bronze na nakopo niya sa 2019 ASEAN Taekwondo Championships sa bansa at sa 3rd Asian Cadet Taekwondo Championships sa Amman, Jordan.

Siyam na jins ang sumasabak para sa Pilipinas sa torneo na matatapos sa Agosto 10.

Ito ay bilang paghahanda ng mga pambansang atleta sa isasagawa sa bansa na 30th SEA Games 2019 sa parating na Nob. 30-Dis. 11. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?