103

By

Bronny, Zaire babanggain ang dating HS ni LeBron

Isang laro ang paniguradong hindi papalampasin ni LeBron James.

Ito ay ang pagharap ng kanyang anak na si Bronny, at anak ng kanyang kaibigang si Dwyane Wade na si Zaire laban sa naging tulay para makatungtong siya sa NBA.

Babanggain nina Bronny at Zaire ang St. Vincent-St. Mary’s sa Akron sa Linggo.

Didiretso si LeBron sa Sierra Canyon para mapanood ang laro kahit pa kakagaling lang nito sa away game kontra Miami Heat kung saan sinungkit nila ang 113-110 win.

“I’ll be cheering for my son,” ayon sa NBA superstar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?