1,932

By

Broner umapela: Alam ng lahat na tinalo ko siya!

Ipinakita nga ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao na may ibubuga pa ito sa laban kahit pa 40 years old na ito dahil sa pagkapanalo laban kay Adrien Broner via unanimous decision.

At sa mga balitang nagsasabi na magretiro na si Pacquiao, pagtapos ng laban ay sinabi nitong siya ay magpapatuloy.

“The Manny Pacquiao journey will still continue,” ani Pacquiao.

Umapela naman si Broner at sinabing siya ang nanalo sa laban. Papalapit pa lang ang interviewer sa kanya ay galit na galit na ito at marami raw siyang gustong sabihin.

“I beat him, everybody out there knows I beat him,” gigil na sabi ni Broner. “I controlled the fight, he was missing, I hit him 20 more times, I beat him!”

“I know I beat that boy. What they’re trying to do is to get that money again with Pacquiao and Floyd but it’s cool, I ain’t worried about it,” pagpapaliwanag ni Broner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?