2,841

Jan 26, 2019 @ 17:51
By ,

Broner inarestong muli sa US

Matapos matalo kay Manny Pacquiao nitong nakaraang linggo, panibagong problema na naman ang kinahaharap ngayon ni Adrien Broner.

Naglabas ng warrant of arrest ang Broward County kontra Broner nang muli na naman itong hindi sumipot sa korte noong Miyerkoles.

Ayon sa balitang inilabas ng TMZ Sports, ito ang ikalawang beses na inaresto si Broner sa pagmamaneho nang walang lisensiya, speeding at no registration o proof of insurance noong Disyembre 7, 2017.

Ayon pa sa TMZ, imbes na sumipot sa korte ay namataan sa Los Angeles ang 29-anyos na boksingero at nanood pa ito ng laban ng Lakers noong Huwebes.

Huling naaresto si Broner noong Disyembre 23, ilang linggo bago ang laban nito kay Manny Pacquiao, pero agaran ding nakalaya para makalaban ang pambansang kamao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?