181
ABANTE TNT MULTA FINE DRAYMOND GREEN GSW WARRIORS
By

Bron inalaska ulit ni Draymond

Sharing is caring!

Tapos na ang NBA Finals, iniuwi na ng Golden State Warriors ang pangatlong Larry O’Brien trophy sa huling apat na taon matapos walisin sa apat na laro si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers.

Pero si Draymond Green, mukhang hindi pa tapos sa pang-aasar kay LeBron.

Sa parada sa Bay Area nitong Martes para ipagdiwang ang 2017-18 NBA championship ng Warriors, nagsuot si Green ng T-shirt na siguradong pagpipiyestahan na naman.

Noong isang taon, nagparada si Green suot ang T-shirt na “QUICKIE” – ginamit niya ang ‘Q’ tulad ng font sa logo ng Quicken Loans Arena, ang home court ng Cavs. Sagot ‘yun ni Green kay LeBron, na noong 2016 matapos agawin ang titulo ng Golden State ay nagsuot din ng T-shirt na ‘Ultimate Warrior’.

Sa pinakahuling championship parade, ginamit ni Green ang ‘Arthur’ meme, kamao na may tatlong rings at caption na ‘Mood…’.

Si Arthur ay isa sa mga kinagigiliwang cartoon characters sa US television. Noong November, sa kanyang Instagram post ay ginamit ni LeBron ang Arthur meme na tikom ang kamao bilang paglalarawan sa pagkadismaya sa mabagal na umpisa ng Cavs sa season pagkatapos mai-trade si Kyrie Irving.

Tatlong rings sa daliri ng meme ang nilagay ni Green, para sa tatlong beses na pagsipa ng Warriors kay LeBron sa NBA Finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?