32

Mar 23, 2020 @ 17:32
By

Bromance: Sol Mercado, Simon Enciso sabay nagpapawis

HABANG naka-home quarantine sina PBA star Sol Mercado at Simon Enciso ay hindi pa rin ito nagpaawat sa kanilang workout.

Sa Instagram story ni former Ginebra veteran Sol Mercado (@m3rcmywords) ay makikitang sinasamantala niya ang tagong pasilidad ng building matapos itong magwork sa fire-exit.

Sa unang video ay makikitang tila naghahanda pa lang sila ni TNT KaTropa Enciso pero sa sumunod na story ay nasa 31th floor na sila at makikitang hingal na hingal at tagaktak ang pawis sa pag-akyant sa hagdanan.

Sa ngayon kasi ay tigil aksyon muna ang liga matapos kumalat na coronavirus sa bansa.

Nitong Lunes rin ay naglabas ng memorandum si PBA Commissioner Willie Marcial na wag munang sumabak sa mga training, scrimmage, at iba pang activities ang mga manlalaro upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?