20

Jul 7, 2020 @ 9:53
By

Broadway star ginupo ng COVID-19

Yumao si Broadway actor Nick Cordero habang nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019.

Siya ay edad 41.

“God has another angel in heaven now. My darling husband passed away this morning,” sambit sa Instagram ng kanyang asawa na si Amanda Kloots.

“I am in disbelief and hurting everywhere. My heart is broken as I cannot imagine our lives without him.

“I smiled because he definitely put up a fight. I will love you forever and always my sweet man,” wika pa niya.

Kahit pa malusog ang aktor ay naospital ito nang tatlong buwan at kinailangang putulin ang binti matapos mahawa sa COVID-19.

Bumida si Cordero sa musical adaptation ng Woody Allen film na “Bullets Over Broadway” noong 2014, kung saan nanomina siya sa Tony.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?