14

Sep 17, 2020 @ 11:14

Broadcaster sa Sorsogon binaril, patay

SDC

Isang broadcaster sa Sorsogon sa Bicol ang pinaslang noong Lunes, Setyembre 14.

Binaril ng mga suspek na sakay ng motorsiklo ang biktimang si Jobert Bercasio, 100 metro lang mula sa Sorsogon police station.

Kinundena ng Commission on Human Rights ang pagpatay sa media worker, habang pinamamadali ng Committee to Protect Journalists ang imbestigasyon ng awtoridad sa trahedya.

Ayon naman sa National Union of Journalists in the Philippines, kapag napatunayan na work-related ang pagpatay ay si Bercasio na ang pang-17 journalist na kinitil sa ilalim ng gobyernong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?