155

Nov 27, 2019 @ 15:09

Broadcaster pinaghahabol ng inahing baboy sa live TV

Hindi na naibalita pa ng isang broadcaster ang pinsala sa isang isla matapos pagkakagatin at habulin ng inahing baboy habang nagbabalita sa live television.

Kinuha ng baboy ang spotlight mula kay ANT1 reporter Lazos Mantikos na sinubukang ibalita sa “Good Morning Greece” ang kalagayan ng bayan ng Kineta matapos humagupit ang matinding ulan nitong Lunes.

Humingi ng tawad ang mamamahayag dahil hindi ito makapag-focus sa pag-uulat gayong kinakagat at hindi siya tinatantanan ng baboy.

“Good morning, we have an issue. Giorgos, can you hear me? We have a pig here that has been chasing us since the morning…. Sorry guys, I can’t stand because it’s biting me,” saad ni Mantikos.

Hindi na napigil ang tawa ng mga kapwa niya reporter sa morning show at binigyan na lang siya ni anchor Giorgos Papadakis ng panahon “para ayusin ang relasyon sa baboy.”

“Try to repair your relationship. I’ll leave you to repair,” saad ni Papadakis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?