75

Oct 7, 2019 @ 19:42
By

Broadcaster na suspek sa pagpatay sa Kidapawan commentator sumuko

Kusang-loob na sumuko sa Kidapawan Police Office nitong Lunes ng umaga ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay kay Brigada News FM-Kidapawan City commentator Eduardo Dizon noong Hulyo 10.

Sinamahan si radio broadcaster Sotero Jacobe ng kanyang asawa nang iprisinta niya ang kanyang sarili kay Lt. Col. Ramel Hojilla, Kidapawan police chief, isang linggo matapos mag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya at sa dalawang iba pa.

Iginiit naman ni Jacolbe na inosente siya at walang kinalaman sa pagpatay sa kanyang kumpare.

Maliban kay Jacobe, ang dalawa pang kapwa akusado niya sa murder case ay sina Dante Tabusares at Junell Gerozaga.

Magugunitang sakay si Dizon ng kanyang kotse at pauwi na sana sa kanilang bahay sa bayan ng Makilala, Cotabato nang pagbabarilin siya ng mga gunman na sakay ng motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?