91
dead-broadcaster
May 1, 2018 @ 19:57

Broadcaster na binaril sa Dumaguete City, pumanaw na

Binawian na ng buhay ang radio broadcaster na si Edmund Sestoso na binaril ng riding-in-tandem noong Lunes ng umaga.

Host si Sestoso ng programang “Tug-anan” sa DYGB 91.7 FM.

Namatay siya kaninang alas-dos ng hapon (Mayo 1).

Pinagbabaril siya habang sakay ng habal-habal sa Barangay Daro noong Lunes at nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib, braso at leeg.

Ayon sa misis nitong si Lourdes Sestoso, nakakatanggap na ang asawa niya ng mga banta habang nagtatrabaho ito bilang radio blocktimer.

Samantala, nagbuo na ng Special Investigation Task Group ang mga awtoridad para tutukan ang kaso ng pagkamatay ni Sestoso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?