58

Jul 22, 2021 @ 13:13
By

Broadcaster inutas sa radio station

Pinagbabaril ang isang radio commentator, na kakatapos lang umere, nitong Huwebes ng umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Rey Cortes, blocktimer para sa dyRB, habang hindi pa natutunton ang mga suspek.

Ayon kay Cebu City councilor David Tumulak, kinaladkad si Cortes ng dalawang lalaki sa labas ng radio station bago ito binaril.

Sinugod si Cortes sa Cebu City Medical Center ngunit dineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa braso at dibdib.

Bago maging commentator sa dyRB ay nagsilbi ring reporter si Cortes sa Bombo Radyo Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: