65

Jun 12, 2021 @ 21:47
By

Bro. Eddie wala balak sa 2022 – Sen. Joel

Maging ang evangelist na si Bro. Eddie Villanueva ay wala umanong plano na tumakbo bilang pangulo o pangalawang pangulo sa 2022, ayon sa anak niya na si Senador Joel Villanueva.

Si Bro. Eddie ay isa sa mga indibidwal na nominado ng 1Sambayan para maging pambato nila sa dalawang nabanggit na posisyon sa 2022.

Ngunit ayon sa senador, hindi man siya makakapag desisyon para sa ama, hindi niya nakikita na tatakbo pa ito sa eleksyon, lalo na sa pagkapangulo.

“Obviously we are not interested to embark on a journey to the Presidency esp. after the tragedy that the family has gone through the past year,” wika ng senador sa kanyang pahayag.

“Just the same, we appreciate the trust and confidence shown by this coalition,” dagdag pa niya.

Ang tinutukoy ng senador na trahedya ay ang magkasunod na pagkamatay ng kanyang kapatid na si Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna at nanay niyang si Dory Villanueva.

Samantala, si Bro. Eddie naman na kasalukuyang kinatawan sa kongreso ng Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) party-list, ay tumakbo na sa pagkapangulo noong 2004 at 2010 ngunit parehas nabigo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?