28

Feb 29, 2020 @ 15:07
By

Briton na sakay ng Diamond Princess cruise ship, patay sa coronavirus

Isang lalaking British national ang kauna-unahang United Kingdom citizen na nasawi sa coronavirus (COVID-19) matapos tamaan nito habang naka-quarantine sa Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Siya ang ikaanim na pasahero ng nabanggit na barko na namatay sa COVID-19, ayon sa BBC report.

Sa UK, may kabuuan nang 20 na kaso ng coronavirus.

Wala namang balak pa ang gobyerno ng UK na mag-repatriate ng kanilang mamamayan mula sa cruise ship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?