17

Mar 8, 2021 @ 15:34
By

Britney Spears gusto nang anakan ng BF

Looking forward na si Sam Asghari sa future nila ng kanyang girlfriend na si Britney Spears.

Sa interview sa 27-year-old actor-model sa Forbes, nilantad niya ang kanyang goals para sa kanyang personal at professional life.

Unang nagkakilala sina Asghari at Spears noong 2016 nang umapir ang una sa music video ng huli na “Slumber Party”.

Handa na raw si Asghari na iakyat sa next level ang lahat ng aspeto ng buhay niya kabilang ang relasyon nila ng 39-year-old singer na si Spears.

“I want to take my career to the next step when it comes to acting. I want to take my relationship to the next step, as well,” aniya.

Ayos lang daw sa kanya na maging batang ama dahil ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang personal life.

“I don’t mind becoming a father. I want to be a young dad,” dagdag niya.

Noong 2019 sinabi rin ni Asghari na nakikita niyang ikakasal sila ni Spears “in their future”.

May dalawa nang teenage sons si Spears sa dating asawang si Kevin Federline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?