10

Oct 15, 2020 @ 22:35
By

Britist ambassador kumanta ng ‘Maligayang Bati’

Ipinakita ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce ang wastong paghuhugas ng mga kamay habang kumakanta ng Filipino version ng birthday song.

Pinaalalahanan ni Pruce ang publiko na laging hugasan ang kamay, na mahalaga aniyang panlaban sa pagkalat ng coronavirus disease.

Sa Twitter account, binahagi ni Pruce ang video habang naghuhugas ng kamay kasabay ng pagdiriwang ng Global Handwashing Day.

“Washing your hands is always an important thing to do. But at the moment it’s a really important way that we can combat the coronavirus pandemic It’s a straightforward process which is familiar to all of us,” aniya.

“A key thing is to wash your hands for a good 20 seconds and to do so thoroughly. In the UK we do this by singing ‘Happy birthday’ twice over. As I’m talking to you from the Philippines, I’ll have a go at doing that in Tagalog but please bear with me,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?