96

Nov 24, 2017 @ 17:39
By

British tiklo sa pagtatago ng kalibre 45

Bitbit ang search warrant, sinalakap ng mga pulis ang bahay ng isang Briton sa Valler Verde 5 sa Pasig City kung nakumpiska nila ang limang piraso ng kalibre 45 kaninang tanghali.

Ayon kay PNP Anti-Transnational Crime Unit Chief Police Supt Roque Merdeguia, ang inaresto ay kinilalang si Matthe George Marney, isang British national. Dinakip din ang driver nitong si Rommelo Catilo.

Alas-12:00 ng tanghali kahapon nang salakayin ang bahay ng suspek at nakuha rito ang limang piraso ng kalibre 45 baril, mga bala at mga patalim.

Bago ang raid, isinailalim muna sa ilang araw na surveillance ang bahay ng suspek matapos makatanggap ng impormasyong may mga itinatagong mga baril ang suspek.

Sa beripikasyon ginawa ng awtoridad sa PNP Firearms and Explosives Office, natukoy na walang lisensya ang mga baril na nakuha sa suspek.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang mas malalim na imbestigasyon ng PNPP upang matukoy kung miyembro ito nang anumang teroristang grupo.

Nakikipag-ugnayan na rin sila sa British Embassy upang mas makuha nila ang totoong pagkakakilanlan ng suspek at matukoy ang l totoong ikinabubuhay ng mga ito sa bansa

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?