23

Apr 7, 2020 @ 11:42
By

British Prime Minister lumala sa COVID, pinasok na sa ICU

Ipinasok na sa intensive care unit o ICU ang British Prime Minister na si Boris Johnson nang lumala umano ang dinaranas nitong sakit matapos magpositibo sa COVID-19.

Matatandaang Marso 26 nang unang maiulat na positibo sa nasabing virus ang prime minister.

Ayon sa kanyang tagapagsalita base na rin sa payo ng kanyang mga doctor, minabuti nilang ilipat na lang sa ICU ng St. Thomas’ hospital ang 55-anyos na si Johnson dahil sa sinasabing patuloy nitong panghihina, 2-linggo na ang nakakaraan nang unang lumitaw ang mga sintomas ng coronavirus sa nasabing prime minister.

Sa ngayon ay pansamantala muna niyang itinalaga si Foreign Secretary Dominic Raab bilang deputy ng kanilang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?