100

Dec 10, 2017 @ 17:10
By

British pedophile inaresto ng BI sa Tarlac

Isang wanted na British national ang nadakip ng Bureau of Immigration sa lalawigan ng Tarlac.

Sa ulat na ipinadala ng Department of Justice, kinilala ang dayuhan na si Mark Christopher Wyatt, 42, na isang convicted child sex offender.

Itinuturing ng BI na si Wyatt ay isang banta sa kaligtasan ng publiko dahil sa pagiging “fugitive from justice.”

Ang operasyon ay ikinasa ng BI-Fugitive Search Unit nitong Byernes ng gabi sa Quezon Avenue sa Bayan ng Camiling sa Tarlac.

Kasunod na rin ito ng official communication na natanggap ng BI mula sa National Crime Agency-British Embassy Bangkok noong May 30, 2017 na nagsasabing si Wyatt ay isang registered child sex offender at pinaghahanap ng United Kingdom Police.

Ang dayuhan ay ikukulong sa BI Warden Facility sa Lungsod ng Taguig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?