34

By

British nalunod sa El Nido

Sharing is caring!

Nasawi ang isang British national matapos malunod habang naliligo sa isa sa isla ng El Nido Palawan kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Kevin Bui, 27 anyos, pansamantalang naninirahan sa Bamboo Billabong Brgy. Buena Suerte, Elnido, Palawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Palawan Police Provincial Office alas-2:00 ng hapon kahapon nagkayayaang maligo sa dagat ang biktima at kasama nitong si Alina Fritz, German national, 22 anyos sa Sitio Duli Brgy. Bucana, El Nido, Palawan.

Kuwento ni Fritz, 40 metro na ang layo nila mula sa dalampasigan nang biglang lumakas ang alon, natangay nito ang nasawing si Bui.

Nakita umano ni Fritz na hirap na hirap na lumalangoy ang biktima habang lumalakas ang alon.

Ilang minuto ang lumipas nakita na lamang ng grupo ng lifeguards ang biktima na palutang lutang na sa dagat.

Isinugod pa ito sa El Nido Rural Health Unit pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?