91
arrested-arestado-huli
Feb 24, 2019 @ 13:46
By

British arestado sa pagtangay sa 2 flat screen TV

Arestado ang isang lalaking British matapos subukang nakawin ang 2 set ng flat screen television sa Makati City, nitong Sabado, Pebrero 23.

Kinilala ng Southern Police District ang suspek na si Michael Byres, 32-anyos at nakatira sa 6001 Kalayaan Avenue, Barangay Olympia, Makati City.

Naaresto si Byres ng kapulisan dakong 9:50 ng gabi matapos nitong bitbitin ang dalawang set ng TV mula sa isang supermarket nang hindi nagbabayad.

Walang naipakitang resibo para sa 2 telebisyon ang foreigner nang komprontahin ito ng security guard.

Nakulong ang suspek sa Makati City Police Station at nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?