153

By

Bring on Manny Pacquiao! – Amir Khan

Sharing is caring!

Hindi pa man nakapagpapahinga si Amir Khan sa kanyang laban kontra Samuel Vargas, nais na agad nitong makipagbasag-ulo sa isa sa mga alamat ng boksing.

Pagkatapos manalo ng 31-year-old boxer laban kay Samuel Vargas sa pamamagitan ng unanimous decision, tinanong siya kaagad kung sino ang gusto niyang makatapat.

“Bring on Manny Pacquiao,” walang pasubaling sagot ni Khan na parang hindi man lang pinag-isipan.

“He is an amazing, amazing boxer, so who wants to see Manny Pacquiao?”

Bagamat nanonood din sa kanyang laban ang posibleng makakasagupa ni Khan na si Kell Brook, tila si Pacquiao lamang talaga ang nasa isip niya na makaharap.

“There is a massive demand for it but the only fight that works for me over Kell Brook is Manny Pacquiao. Manny Pacquiao is who I want. I want Manny Pacquiao,” sabi ng dating ka-sparring ni Pacman.

“Manny Pacquiao is my No 1 pick. If not, we will go back to the drawing board and if it’s Kell Brook, it’s Kell Brook.”

Plano ni Pacquiao na bumalik sa boxing ring sa darating na Disyembre pagkatapos niyang talunin si Lucas Matthysse nitong Hulyo lamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?