107

Jun 24, 2018 @ 20:27
By

Brigitte Nielsen nanganak pa sa edad na 54

Nagsilang ng kanyang ikalimang anak si Brigitte Nielsen kahit 54 taong gulang na ito.

Naglabas ng statement ang model, actress at reality star na si Nielsen at ang kanyang 39 anyos na asawang Mattia Dessi kung saan sinabi nilang isinilang ang kanilang anak na si Frida noong Biyernes sa Los Angeles at may timbang na 5 pounds, 9 ounces (2.3 kilograms).

Ito ang ang panlimang anak ni Nielsen subalit kauna-unahan niyang babae. Siya ay may apat na anak na lalaki sa kanyang mga naunang mga nakarelasyon.

Pinakasalan niya si Dessi, ang kanyang panlimang asawa, noong 2006.

“We are overjoyed to welcome our beautiful daughter into our lives,” and “it’s been a long road, and so worth it,” sabi sa statement ng mag-asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?