166

May 27, 2018 @ 16:43

Brigada Eskwela sisimulan sa Miyerkoles – Briones

Sa Miyerkoles, Mayo 30 sisimulan ang taunang Brigada Eskwela, limang araw bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa Hunyo 4, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.

Sa panayam sa dzBB, bagama’t hindi pa ito nasisimulan, may ilang guro at mga mag-ulang na ang nagsimulang linisin ang mga silid-aralan nitong nagdaang mga araw.

“Sa ibang eskwelahan ay matagal na (nasimulan). Halimbawa, sa Marawi, una na kaming nag-brigada doon dahil damaged ang mga schoolrooms doon,” sabi ni Briones sa dzBB.

“Even before that, yung mga teachers ay binibisita na yung mga schoolrooms nila. So yung buong buwan ng May ay nagiging Brigada Eskwela,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?